COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NANG lumabas ang isang special awards na igagawad ng FAMAS sa Sabado ay may mga basher na naman na obvious na anti-Marcos.
Pagkuwestiyon ng mga basher, bakit daw gagawaran ay hindi naman artista?
Linawin lang namin, hindi naman related sa pagka-artista ang igagawad. Related sa public service.
Pero para sa kaalaman ng mga kumukuwestiyon may naiambag si Sen Imee Marcos sa showbiz. Siya lang sa mga Marcos ang may puso sa showbiz.
Noon pa man ay nagko-collaborate na sila ni Boss Vic del Rosario ng Viva sa iba’t ibang showbiz related project. Si Imee rin ang nagtatag at namuno ng Experimental Cinema of the Philippines na tumutulong sa growth at development ng mga local film sa industriya.
Sila rin ang nag-umpisa ng mga OPM noong kapanahunan ng tatay niya, si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos. Kaloka kayo!
Ngayon abangan ninyo ang Maid In Malacanang na mag-uumpisa sa Aug. 3 worldwide.
Hindi pa napapanood ang pelikulang ito’y marami nang bashers at pinupulaan na. Manood muna kayo. Okay.