RATED R
ni Rommel Gonzales
MARAMI ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya na hatid ng COVID-19.
Kaya para maka-survive, nagtinda si Orlando Sol ng laman.
Pero ang laman na itininda ni Orlando ay karne ng baka.
“Sobra akong naging busy, praise the Lord sobrang thankful din ako ako kay Lord kasi noong pandemic, ‘yung business ko roon nag-boom.
“Meat, nagbebenta ako ng beef. Puro beef lang. Hindi ako nagbebenta ng pork eh, doon ako nag-focus eh, sa beef meat na bulalo, so mayroon akong cutter, mayroon akong freezer, ganoon.
“Online ito eh, sa bahay ko lang. Kumukuha ako sa ano, import ‘yun, ‘yung mga bulalo cut, so ako mismo ‘yung nagka-cut, ganoon ang ginagawa ko.
“Bumili ako ng cutter, bone saw, tapos minsan ako na rin ang nagde-deliver, dinadala ko sa mga bulalohan, ako na ‘yung nagsu-supply sa kanila, nakakuha ako ng mga regular clients ko, ganoon,” kuwento ng Masculadosmember at Raising Mamay mainstay.
“And siyempre nag-aano ako kay Lord na, ‘Lord nagtitiwala ako, sa Inyo ako nagtitiwala.’
“Simula noong nawala si direk Maryo, mas lalo akong napalapit kay Lord. Isinuko ko na sa Kanya ang lahat.”
Ang yumaong direktor at talent manager na si Maryo delos Reyes ang manager ng maraming artista kabilang na si Orlando at ng buong grupo ng Masculados.
“Sabi ko, ‘Lord, wala akong ibang manager ngayon, tutal ikaw naman ang nagpasok sa akin sa ganitong industry baka puwedeng ikaw na po ang manager ko. Sobrang nagtitiwala ako sa inyo kung ano po ‘yung ibigay N’yo sa akin Lord, basta sa Inyo lang po ako.’
“After that sunod-sunod naman ‘yung mga project na dumating kaya sobrang thankful ako kay Lord kasi wala akong ibang kinakapitan kundi Siya lang.”
Sa pelikulang Home I Found In You ay gaganap si Orlando bilang Arnold Jimenez.
“Ako po ‘yung tito ni Red, si Red si John Heindrick Sitjar.”
Cast members din ng Home I Found In You sina Diego Llorico (o mas kilala bilang Diego) bilang si Mama Rona;
Jhassy Busran bilang si Selene dela Cruz; Harvey Almoneda bilang Aldrin Padua; Soliman Cruz bilang Mario dela Cruz; at Eunice Lagusad bilang Judy-ann Pineda.
Idinirehe ito ni Gabby Ramos at mula sa produksiyon ng REMS Films (represented by AJ Ungson at Marlon Climaco) at malapit nang mapanood sa mga sinehan.