ni Ed de Leon
WALA na, talagang tuluyan nang ibinasura ng isang gay politician ang lover niyang male star na ilang buwan lamang ang nakararaan ay kinakabaliwan niya. Hindi naman maide-deny na pogi nga ang male star, kahit na may “short comings” din, sabi nga ng ibang source. Pero napikon ang gay politician nang malaman niyang habang busy siya sa kampanya, may binuntis na namang babae ang male star at tapos sa kanya nanghihingi ng pambayad sa pre-natal check up.
Umalma na ang gay politician, pinalayas na ang male star at sinabing wala nang maaasahang kahit na ano mula sa kanya. Natalo na nga siya eh, siya pa ang inaasahang magsustento sa nabuntis na babae.