Friday , November 15 2024
Gun Fire

Hirit ng PNP inalmahan
GUN BAN ‘DI SWAB TEST BEFORE RALLY TUTUKAN  

DAPAT tutukan ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na implementasyon ng gun ban sa National Capital Region (NCR) imbes gamitin ang swab test para gipitin ang mga aktibistang maglulunsad ng kilos-protesta sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ngayon.

Sa kabila ng ipinaiiral na 6-day gun ban ng PNP simula noong Biyernes, 22 Hulyo, bilang security preparation sa SONA ni FM Jr., tatlo ang namatay at isa ang malubhang nasugatan sa naganap na barilan sa Gate 3 ng Ateneo de Manila University bago magsimula ang nakatakdang graduation ceremony sa Ateneo Law School kahapon.

Batay sa ulat ng Quezon City government, nasawi sa pamamaril sa ADMU ang dating mayor ng Lamitan na si Rose Furigay, ang Ateneo campus security guard, at personal security ng alkalde.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspect na si Chao Tiao Yumol, ayon kay QC Mayor Joy Belmonte sa isang kalatas.

Napaulat kahapon ang pahayag ni PNP Director for Operations P/MGen. Val de Leon na magpa-swab muna ang mga magtutungo sa rally ngayon.

“Gun ban ang dapat mahigpit na ipatupad imbes gamitin ng pulisya ang swab testing sa mga mapayapang lalahok sa People’s SONA upang sikilin ang karapatan ng mamamayan na magpahayag,” pahayag kahapon ng Council for Health and Development (CHD), pambansang organisasyon ng community based health programs sa Filipinas, sa isang kalatas.

Anang CHD, kaisa ang kanilang grupo na ipanawagan sa lahat ang pagpapatupad ng minimum health protocols at gawing libre, available at accessible ang testing.

Ngunit ito anila ay hindi maaaring gamitin ng estado at ng pulisya upang labagin ang mga pundamental na karapatang sibil at politikal.

“Bahagi sa tutuusin ng mamamayan sa isasagawang People’s SONA bukas ang pagpapabaya ng gobyerno sa mga batayang serbisyo. Ang krisis sa ekonomiya, malubhang kalagayang pangkalusugan, krisis sa transportasyon at pabahay, banta sa demokrasya, at pagbabaluktot ng kasaysayan ang ilan sa mga dahilan kung bakit kahit sa gitna ng umiiral na pandemya ay kailangan ng mamamayang lumabas at manindigan para sa mga batayang karapatan at igiit ang hustisya,” giit ng CHD.

Hindi dapat anila ipasa ni De Leon ang burden ng testing sa indibidwal dahil matagal na ang panawagan sa mass testing – na ito ay gawing libre, available at accessible sa populasyon.

Ayon sa CHD, ang testing ay hindi lang dapat sinasambit ng pulis tuwing may rally at hindi ito puwedeng gawing instrumento upang sagkaan ang karapatang magtipon-tipon nang mapayapa habang sinusunod ang minimum health protocols.

Malisyoso anila ang statement ng mga pulis at lantad kung ano ang intensiyon nila — ang sikilin ang karapatan ng mamamayan na magtutungo sa People’s SONA. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …