Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang Lee O'Brien Malia

Pokwang payag maisama ang kanilang anak ni Lee sa Amerika

MA at PA
ni Rommel Placente

SA podcast ng Updated with Nelson Canlas, tinanong si Pokwang kung posible bang magkabalikan o magkaroon pa ng second chance ang love story nila ng American actor na si Lee O’Brian, ang sagot niya ay wala na.

Hindi, wala eh, walang ganoon. Basta okay na, okay, okay! Bye!” sabi ni Pokwang.

Inamin naman ng komedyana na sinubukan din nilang ayusin ni Lee ang kanilang mga problema pero hindi na talaga umubra.

Nag-usap din sila nang masinsinan para sa co-parenting agreement nila sa anak nilang si Malia. Nagkasundo sila na magkita tuwing weekend para sa anak.

Parang mas ano, ‘oh darating ang Dada mo’ tapos mag-uusap kami, saan kakain, ganoon. Unlike noong nandito, kaunting ano, init ng ulo. Ganoon talaga,” ani Pokwang.

Umaasa si Pokwang na magiging maayos ang lahat sa kanila ni Lee para na rin sa kapakanan ni Malia.

Ang pinakamabuti roon talaga… hindi masakit, wala kaming pait-paitan sa isa’t isa,” sabi pa niya.

Payag din ang komedyana na isama ni Lee ang kanilang anak sa Amerika para makita at makasama ng bata ang lolo’t lola nito roon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …