HATAWAN
ni Ed de Leon
KARAPATAN ni AJ Raval kung ayaw man niyang amining buntis siya, dahil wala namang mailalabas na ebidensiya ang nagkakalat ng tsismis. At saka bakit pupuwersahin ninyo si AJ, eh kung iyon ngang nanganak na at buntis na naman hindi ninyo mapaamin eh. Pabayaan ninyo
silang aminin ang kanilang sitwasyon kung handa na sila.
Isa pa, may implikasyong legal iyan. Kasal pa si Aljur Abrenica, na siya nilang itinuturong nakabuntis kay AJ, kay Kylie Padilla. Kung totoo ngang buntis si AJ, maaaring gamitin iyon ni Kylie para sampahan sila ng demanda ni Aljur, kaya mahirap iyan.
Kung sa bagay, mukha namang hindi apektado si Kylie na ngayon ay nasa abroad yata para sa shooting ng isang pelikula.