RATED R
ni Rommel Gonzales
UMIYAK si Dion Ignacio sa face-to-face mediacon ng 2022 Gintong Parangal kamakailan.
Natanong si Dion kung ano ang nararamdaman niya kapag naikukompara siya kay Dingdong Dantes mula noong nag-double siya rito sa Alternate episode nitong January sa programang I Can See You ng GMA.
“Unang-una si Kuya Dingdong isa sa mga idol ko rin talaga, eh. Kaya natutuwa ako kapag sinasabihang, ‘Uy, para kang si Dingdong, ah!’
“Parang medyo kinikilig ako,” ang natatawa pa sa umpisang sinabi ni Dion.
At sa August 13, sa gaganaping awards night ng 3rd Gintong Parangal 2022 na gaganapin sa Okada Manila Grand Ballroom, pagkakalooban si Dion ng Natatanging Gintong Parangal para sa Mahusay ng Aktor sa Telebisyon. Kaya tinanong ang aktor kung ano ang kahulugan para sa kanya ng award na ito na wala na siya sa anino ni Dingdong?
“Pero kasi si Kuya Dingdong at saka si Dion ano eh, magkaiba talaga sila. Mataas si Kuya Dong eh, ako eto lang (sabay muwestra ng kanyang kamay sa bandang ibaba).
“Pero iyon na nga, thankful pa rin dahil ‘yung sinabi ni Professor Jonathan Velustria Sta. Ana (chairman ng Gintong Parangal at school administrator ng St. Dominic College Of Asia) mas napapansin ‘yung taas, ‘di ba?
“Hindi n’yo alam na ‘yung mga nasa baba, supporting actors, sila ‘yung nagpapaangat sa bida.
“So parang, kanina noong sinabi niya ‘yun, kasi nag-double nga ako kay Kuya Dingdong, parang, nag-effort talaga ako, parang ako ‘yung, tumama sa akin na ako ‘yung…”
Dito na naging emosyonal si Dion at nahinto na sa pagsasalita at umiyak na.
“Hindi ako makapagsalita, basta ‘yun, na-overwhelm lang po ako dahil kahit nasa ilalim napansin, ‘yung effort, parang, napansin po ‘yung effort ko, bilang artista, supporting, nakakapagpaangat, mas napapansin po ‘yung nasa taas.
“Overwhelmed ako rito sa award na ito.”
Samantala, head ng jury ng Gintong Parangal ang actor/director/producer na si Perry Escaño (ng MPJ Entertainment Productions).
Ang iba pang awardees bukod kay Dion ay sina: Ricky Davao (Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Aktor at Direktor sa Industriya ng Pelikulang Filipino); Rey Valera (Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Mang-Aawit at Alagad ng Musikang Filipino); Jose Estrella (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Direktor sa Sining ng Teatro); Dr. Ricardo G. Abad (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Manunulat sa Sining ng Teatro); Liza Macuja Elizalde (Natatanging Gintong Parangal bilang Tagapagtaguyod ng Pagsayaw Ballet); Gelli de Belen (Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Aktres sa Industriya ng Pelikulang Filipino); Dindo Arroyo (First award after 35 years in the industry bilang Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Beteranong Aktor sa Pelikula); Camille Prats(Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Host sa Telebisyon); Aljur Abrenica (Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Aktor sa kanyang Henerasyon); Jayda Avanzado (Gintong Parangal bilang Mahusay na Mang-Aawit sa kanyang Henerasyon); Dinah Sabal Ventura (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Manunulat at Patnugot sa Pamamahayag sa Pelikula at Telebisyon ); Cristine Reyes (Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Aktres sa kanyang Henerasyon); Xian Lim (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Aktor at Direktor sa kanyang Henerasyon); Gigi de Llana (Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Mang-Aawit sa kanyang Henerasyon); Heaven Peralejo (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Aktres at Vlogger); Arci Munoz (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Pagganap bilang Aktres); Devon Seron (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Aktres sa kanyang Henerasyon); Rene Napenas (Natatanging Gintong Parangal para sa Pambansang Sining at Kultura); Alex Santos (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Mamahayag sa Telebisyon at Radyo); Pat P. Daza(Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Mamahayag sa Telebisyon at Radyo); Teejay Marquez(Natatanging Gintong Parangal bilang Makabagong Aktor sa Pelikula at Telebisyon); Madam Inutz (Natatanging Gintong Parangal sa Makabagong Sining bilang Mahusay na Vlogger); CJ Perez (Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Manlalaro ng Basketball sa Larangan ng Pampalakasan), at John Obiena (Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Manlalaro ng Pole Vaulting sa Larangan ng Pampalakasan).