Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rachel Alejandro

Rachel napagkamalang acid reflux ang Covid

RATED R
ni Rommel Gonzales

ARTISTA man ay hindi pinatatawad ng COVID-19.

Umamin sa amin si Rachel Alejandro na siya man ay nagkasakit ng mapaminsalang virus na ito.

December 2021 sila nagkasakit ng mister niyang Spanish journalist na si Carlos Sta. Maria sa New York na roon sila nakatira mula noong tumama ang pandemya.

Dahil uso ang Christmas at New Year party lalo na sa Amerika, bago dumalo si Rachel sa isang imbitasyon ay nagpa-test muna siya, at nagpositibo siya sa Omicron.

Mabuti na lamang at mild lang ang sintomas niya na pangangati lamang ng lalamunan.

Pero I thought na parang siguro acid reflux kasi ‘pag December sa dami ng alam mo na, mga kinakain na hindi dapat, at mga iniinom na medyo napapadami.

“I was very blessed kasi I know hindi lahat ng tao ay naging mild.

“Kaya ako nagpa-test kasi na-realize ko hindi na ‘to acid reflux kasi sabi ko usually ‘pag inayos mo na ‘yung kain mo, hindi ka na umiinom ng wine, ganyan, iyon lang naman eh, nakakaasim ng sikmura.

“‘Yun naramdaman ko, hmmm, medyo persistent siya. Tapos iyon, kaya ko nalaman na ganoon.”

Sa bahay sila nag-quarantine ng mister niya ng kung ilang araw at matapos ang kanilang quarantine ay hindi na sila muling nagpa-test.

Hindi na kami nag-test kasi ang ano naman sa US at that time is you just let so many days pass, seven days, na parang quarantine tapos laya ka na.”

Ilang araw lamang sila nakaramdam ng mister niya ng sintomas ng COVID-19.

Sa ngayon, tulad ng karamihan ay bakunado na si Rachel.

I have a booster na so… in the US kasi, kapag every month, when you’re under the age of 50 wala pa namang second booster nandoon pa rin tayo sa first booster.

“‘Yung primary tapos ‘yung booster pero ‘pag over 50, required.”

Samantala, magaganap ang concert ni Rachel sa July 30, 2022 Saturday 8:00 p.m. sa Winford Manila Resort & Casino Ballroom sa Consuelo St. Sta. Cruz, Manila.

Magsisislbing guests niya sina Maria Laroco (ng The X Factor UK 2018) at Lance “The Crooner” Carlos.

Ang concert ay idinirehe ni Vergel Sto. Domingo at ipinrodyus ng VCSD Productions.

Ang concert ticket prices ay 1,500 (VIP), 1,000 (Gold), at 700 (Silver). Para sa ticket inquiry at reservation, maaaring tumawag sa 0927-2978027 or 0917-6250328.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …