Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres

Andrea hindi naghahanap ng karelasyon 

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKATRABAHO na ni Andrea Torres sa ilang episodes ng Happy ToGetHer si John Lloyd Cruz kaya natanong ito kung paano niya ito ilalarawan bilang tao at actor?

Napaka-humble niya despite his talents and all his achievements. Nakai-inspire to see him at work kasi iba siya mag-isip at mag-interpret ng eksena.

“Mayroon siyang mga dinadagdag para mapaganda ang mga eksena, na ikaw parang, ‘Ay oo nga ‘noh, ang galing!’ 

“Ang galing niya maghimay ng eksena. Magaan sa set kasi maloko rin siya. Masaya lang.”

Loveless si Andrea, paano niya naha-handle na wala siyang karelasyon sa matagal na panahon?

Ako naman po kasi I’m happy and content with my life as is. ‘Pag nagkakaroon ako ng karelasyon, he adds to it. Hindi mo gagawing missing piece ‘yung lovelife.

“Para ikaw din, buo kang papasok sa buhay ng karelasyon mo.

“I have a solid faith so I never look for it. Naniniwala akong darating ‘yan ‘pag feel ni God na ready na ulit. Basta I give my whole focus and energy with everything that I do.”

Kanino siya kumukuha ng inspirasyon sa buhay?

Of course number one riyan si God who’s been so good to me. He inspires me to live my life with a purpose. Live life to the fullest.

“Next diyan ang mga goal ko at ang family ko. Marami akong dreams at kasama sila lagi roon,” pagbabahagi pa ni Andrea.

Malapit nang mapanood si Andrea sa international movie na Pasional na leading man niya si Marcelo Melingo na co-produced ng Malevo Films of Argentina, GMA Films at ni Noel Maximo na isang Filipino film producer.

Ang Pasional ay idinirehe ni Francsico D’ Intino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …