Friday , November 15 2024

Tsina isnabin sa national projects — Solon

071822 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO

NANAWAGAN si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa pamahalaang Marcos na huwag isama ang Tsina sa malalaking proyekto ng gobyerno dahil may iba namang magpopondo rito.

Ayon kay Rodriguez, maaaring huwag ituloy ang tatlong malaking proyektong popondohan ng Tsina na nilagdaan noong nakaraang administrasyong Duterte.

“The old saying ‘beggars cannot be choosers’ cannot apply to us in this case and other projects. We have other funding options, which the new national leadership should explore,” ayon sa kongresista ng ikalawang distrito ng Cagayan de Oro City.

Aniya may ibang opsiyon naman ang bansa kagaya ng World Bank at Asian Development Bank, o ang US AID, JICA ng Japan, Korean Agency at EU Fund, para pagkunan ng pondo sa mga proyektong ito.

Ayon kay Rodriguez may kaakibat na problema ang pag-utang sa Tsina.

“The problem with loans from China is that there will be strings attached which will sacrifice our full sovereign rights over our West Philippine Sea,” ani Rodriguez.

Ikinalungkot ni Rodriguez ang pagkaudlot ng unang tren sa Mindanao dahil hindi inaprobahan ng Tsina.

“Sad especially for Mindanao, the home region of our former president. Our island deserves its first railway system,” anang mambabatas.

Aniya, hindi talaga maaasahan ang Tsina.

Ang mga naudlot ng proyekto ay ang Philippine National Railways – Bicol line, na magmumula sa Calamba, Laguna hangang Daraga, Albay, nagkakahalaga ng P142 bilyon; ang 71-kilometrong magdurugtong sa Clark Freeport Zone sa Angeles City at Subic Freeport; at ang unang hakbang ng  Mindanao railway na may habang 102 kilometro, nagkakahalaga ng P83 bilyones.

Aniya, maaring kausapin ni Pangulong FM Jr., ang international financial institutions at mga lokal na negosyante upang pondohan ang mga proyektong ito.

“We can request RSA (Ramon Ang of San Miguel Corp.), MVP (Manny Pangilinan of PLDT group), Enrique Razon (ICTSI) and Sabin Aboitiz (Aboitiz Group) to consider financing the Mindanao railway,” aniya. Maaari rin ang gobyerno na ang magpondo sa mga proyektong ito.

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …