Friday , November 15 2024
Butt Puwet Hand hipo

Suspek na nakatakas nagreklamo
MANGINGISDA ‘NALAMBAT’ SA BARANGAY 

KALABOSO ang 33-anyos binatang mangingisda matapos pasukin at himasin ang maselang parte ng katawan ng isang babaeng kapitbbahay sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Navotas City Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) dakong 9:00 pm kamakalawa nang maganap ang pangmomolestiya sa isang 23-anyos babae na itinago sa pangalang “Sam.”

Agad naaresto ang suspek na kinilalang si Manuel Mendoza, residente sa Block 3, Bacog, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod.

Ayon sa salaysay ng biktima, mahimbing siyang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Tulay 1, Tabing Dagat, Brgy. Daanghari nang maramdaman niyang may humahaplos sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Inakala ng biktima na ang kanyang live-in partner ang humahaplos sa kanya ngunit nang imulat niya ang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang suspek kaya’t nagsisigaw siyang humingi ng tulong.

Kaagad sumaklolo ang live-in partner ng biktima, pati ang dalawa niyang bayaw at kaagad na pinagtulungang upakan ang suspek ngunit nagawa pang makatakas.

Sinamahan ng kanyang ina ang suspek sa barangay para magreklamo, ngunit nandoon na rin ang biktima dahilan upang arestohin siya ng mga tanod at dalhin sa pulisya nang positibong kilalanin ng ginang.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na sising-alipin sa kanyang hindi napigilang kati ng katawan dahilan upang sa kulungan siya maghimas ng bakal na rehas. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …