ISANG 21-anyos lalaki ang napaslang habang sugatan at ginahasa ang kaniyang 17-anyos nobya ng nanloob sa kanilang camping tent sa bayan ng Boac, lalawigan ng Marinduque, nitong Biyernes ng madaling araw, 15 Hulyo.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente pasado
1:00 am noong Biyernes sa Brgy. Ihatub, sa nabanggit na bayan.
Sa salaysay ng 17-anyos biktima sa pulisya, pinasok ng suspek ang kanilang tent saka sinaksak ang kanyang nobyo.
Nakatakas ang biktima ngunit naabutan siya ng suspek saka ginahasa at sinaksak.
Kinuha rin umano ng suspek ang pera at cellphone ng magkasintahan.
Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko sa makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa pagkakadakip sa suspek.