Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas
Navotas

Navotas nagbigay ng cash incentives sa public school grads

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng cash incentives ngayong taon sa mga estudyanteng nagtapos sa pampublikong elementarya at senior high schools. 

Sa bilang na ito, 3,810 ang Grade 6 at 2,067 ang Grade 12 completers kung saan nakatanggap sila ng P500 at P1,000, respectively.

“We want to honor and show our appreciation to our graduates for pursuing their education, especially despite the challenges of the pandemic. The past school years have been difficult, but they persevered with the help and guidance of their parents and teachers,” ani Mayor John Rey Tiangco.

Samantala, ang mga nagtapos sa Navotas Polytechnic College ay makatatanggap din ng P1,500 sa Agosto.

Nagsimula ang Navotas na namahagi ng cash incentives sa mga nagtapos noong 2019 alinsunod sa City Ordinance 2019-3.

               “We hope that through this incentive, our students will be motivated to finish their schooling or help them in their pre-employment needs,” dagdag ni Tiangco. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …