HINDI lang sa mga nakapanood klik ang Squid Game maging sa Emmy Awards 2022 ay humakot sila ng nominasyon. Bale ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang non-English drama series ay napasama sa mga nominado sa Emmy.
Nominado sa kategoryang Outstanding Drama Series ang Squid Game kalaban ang Stranger Things, Better Call Saul, Euphoria, Ozark, Severance, Succession, at Yellowjackets.
Labintatlo pang nominasyon ang nakuha ng Koream series kabilang ang Outstanding Lead Actor in a Drama Series para kay Lee Jung-jae; Park Hae-soo at O Yeong-su bilang Outstanding Supporting Actor in a Drama Series; Jung Ho-yeon bilang Outstanding Supporting Actress in a Drama Series; at Lee You-mi bilang Outstanding Guest Actress in a Drama Series.
“I feel so happy and honored that ‘Squid Game’ became the first non-English language series to be nominated for the Emmy Awards.
“I hope that Squid Game’s Emmy nominations will open up even more opportunities for the whole world to enjoy and appreciate each other’s content beyond the barriers of culture and language,” anang creator nitong si Hwang Dong-hyuk.
Sa Sept. 12, 2022 malalaman kung sino-sino ang mga mag-uuwi ng tropeo sa 74th Primetime Emmy Awards.