I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGKAKAEDAD na guwaping at hot ang Sparkle artist na si Miguel Tanfelix.
Kitang-kita ang kakisigan ni Miguel sa music video ng coming Kapuso series na What We Could Be na unang collaboration ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at GMA Network.
Mapapanood ngayong August ang tambalan nina Miguel at Ysabel Ortega sa What We Could Be. Ka-love triangle nila ang Kapuso artist ding si Yasser Marta.
Sa 2023 na mapapanood ang isa pang pinagbibidahang series ni Miguel na Voltes V Legacy. Siyempre, malaking project ito kaya kailangan todo ang pagpapaganda dahil live adaptation.
Homegrown GMA artist si Miguel na kahit wala nang ka-loveteam ay nakatatayo sa sarili niyang talent.