Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lianne Valentin Zoren Legaspi Carmina Villaroel

Zoren hindi nagpapaalam sa mga intimate scene  

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin ang Apoy Sa Langit male lead star na si Zoren Legaspi kung ano ang naging reaksiyon niya na nag-viral ang steamy lovescenes nila ni Lianne Valentin sa kanilang serye?

“We have no idea that it will go viral. More so, sa napakabilis ng pag-viral niya.”

Sa Apoy Sa Langit ay gumaganap si Zoren bilang si Cesar at mistress naman o kabit niya si Stella na ginagampanan naman ni Lianne.

Nasa cast din ng Apoy Sa Langit sina Maricel LaxaMikee QuintosMariz RickettsCarlos Siguion ReynaDave BorneaColeen Paz, Celine FajardoPatricia Ismael, at Mio Maranan.

Ang Apoy Sa Langit ay idinirehe ni Laurice Guillen.    

Alam ng lahat kung gaano ka-faithful at ka-loyal na mister ni Zoren sa misis niyang si Carmina Villarroel, saan at paano niya iniaarte ang karakter niya sa Apoy Sa Langit bilang isang taksil na asawa?

“’Yan ang pangunahing trabaho ng artista, ang magkunwari.

“So ‘pag killer ang role dapat nakapatay ka?

“It boils down to creativity and fully understanding of the scenario,” sagot ni Zoren sa amin.

Sumagi ba sa isip ni Zoren na baka magselos si Carmina sa mga intimate na eksena nila ni Lianne? Pinag-uusapan ba nilang dalawa ni Carmina ang mga eksena ni Zoren sa serye?

“Never po,” simpleng sagot ni Zoren.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …