Friday , November 22 2024

Mass lay-off sa gobyerno,
2 MILYONG KAWANI TARGET SIBAKIN

071422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAIS ng Malacañang na bigyan ng Kongreso ng kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at ang sangay ng ehekutibo na ireorganisa ang national government na magreresulta sa pagkawala ng trabaho ng may 2,000,000 empleyado sa gobyerno

“Our plan is to prepare a proposal to Congress that will give power to the President and the executive to ‘rightsize’ or reorganize the national government, which is under the executive,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa panayam sa DZBB.

Ang ‘rightsizing plan’ aniya ay nangangailangan ng basbas ng Kongreso.

Layunin nitong tapyasan ang workforce ng pamahalaan ng hanggang dalawang milyong kawani na magdudulot ng P14.8 bilyong matitipid sa kaban ng bayan kada taon.

Sinabi ni Pangandaman, balak ng administrasyong FM Jr., bawasan ang trabaho ng 187 ahensiya ng gobyerno, kabilang ang ilang state-owned corporations.

Batay sa inisyal na pagtataya ng DBM, limang porsiyento ng mga kawani sa gobyerno na nasa iba’t ibang posisyon sa buong burukrasya ang matatapyas.

Aminado si Pangandaman na hindi pa natutukoy ng DBM ang mga ahensiyang tatanggalin o isasanib sa iba pang ahensiya.

Hindi kasama sa naturang plano ang mga guro, healthcare workers, uniformed personnel at mga posisyon sa state-firms na saklaw ng Government Owned and Controlled Corporation Governance Act.

“The overall objective of this plan is to have a slimmer bureaucracy, and make it agile and responsive to keep up with modern society,” ani Pangandaman.

Kapag naipatupad ito, ilalaan ng gobyerno ang natipid na P14.8 bilyon sa ibang mga proyekto at programa na nangangailangan ng dagdag na pondo gaya ng impraestruktura , serbisyong panlipunan, kalusugan at agrikultura.

“Those who would lose their jobs could apply to the new positions which will be created by the rightsizing bill. We will also have retooling programs for other affected personnel in cooperation with the Civil Service Commission,” ani Pangandaman.

Ang panukalang ‘rightsizing plan’ ay isusumite ng Malacañang sa Kongreso bago iraos ang unang State of the Nation Address ni FM Jr., sa 25 Hulyo 2022, kasama ang priority bills na nakalinya sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Nakasaad sa panukala na bibigyan ng Kongreso ng awtoridad ang Pangulo na ipatupad ang pagtapyas sa burukrasya sa loob ng isang taon.

About Rose Novenario

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …