Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiai Delas Alas Raising Mamay

Lihim’ ni Ai Ai unti-unti nang lumalabas

RATED R
ni Rommel Gonzales

UNTI-UNTI nang lumalabas ang lihim ng nakaraan sa huling tatlong linggo ng GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay.

Nagsimula ang kuwentong puno ng saya at pagmamahal ng mag-inang sina Mamay Letty (Aiai Delas Alas) at Abigail (Shayne Sava). Sinubok ng samo’tsaring problema ang kanilang pagsasama at relasyon bilang mag-ina.  


At sa nalalapit na pagtatapos nito, nagbabalik si Malou (Ina Feleo) para guluhin ulit ang mundo ni Sylvia (Valerie Concepcion). At dito niya malalaman ang sikretong matagal nang itinatago nito.

Puno naman ng lungkot ang netizens sa pagwawakas ng serye. Komento ng isang avid viewer sa Facebook, “Nakakabitin naman, sana magkaroon ng part 2″ at “very nice teleserye, great actors and actresses ang mga cast.”


Magkakaroon kaya ng happy ending ang pagsasama nina Mamay Letty at Abigail sa kabila ng paglabas ng mga sikretong matagal nang itinatago ng pamilya? Babalik pa kaya sa dati si Mamay Letty? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …