Friday , November 15 2024
stab ice pick

Kelot tinarakan ng icepick sa dibdib

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaking tinarakan ng icepick sa dibdib ng kanyang kalugar sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center  (TMC) ang biktimang kinilalang si Dave Dadullo, 35 anyos, residente sa Brgy., North Bay Boulevard North (NBBN) ng nasabing lungsod sanhi ng  isang tama ng saksak sa dibdib.

Kasalukuyang pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Romar Tadinaw, tauhan ng Brgy. NBBN at residente sa nasabing barangay.

Sa report ni P/Cpl. Florencio Nalus kay Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 5:30 pm nang maganap ang insidente sa Linchangco St., Brgy. NBBN.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, papunta ang biktima sa barangay hall ng NBBN para dumalo sa gagawing pagdinig sa pagitan nila ng suspek nang biglang lumapit si Tadinaw, may hawak na icepick saka tinarakan sa dibdib si Dadullo.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung ano ang motibo ni Tadinaw na unang inireklamo ng biktimang si  Dadullo makalipas ang ilang araw sa barangay. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …