Wednesday , April 2 2025
Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin Miguel Cotto

Canelo-Golovkin III magiging balikatan

PINARANGALAN si Puerto Rican star Miguel Cotto, dating world division world champion, sa Mexico nung Martes ng World Boxing Council.

Sa panayam sa kanya, sinabi nito na para hindi  tuluyang malagay ang   kanyang bansang Puerto Rican  sa  pagkalubog sa boksing sa kasalukuyan, kailangang magkaroon ng matinding pokus ang bansa sa amateur boxing.

“I am a product of the amateur school of Puerto Rican boxing, from then on I had the opportunity to go to the Central American and Pan American Championships; it was the basis of my training, that is why I am a believer that it is the way out of the bad times we’re living in,” sabi ni  Cotto.

Sa kasalukuyan ay dalawa lang ang kampeon ng Puerto Rico na sina Amanda Serrano at Jonathan Gonzalez.

Ang 41-year-old na dating boxing champion, na  naluklok kamakailan sa International Boxing Hall of Fame,  ay inisplika na ang tamang ruta sa tagumpay ay tinatahak ng baseball at boxing sa  ilang henerasyon.

“That’s how it works in baseball in my country, players with a great future are trained there, and that’s the way in this sport; that’s why professional boxing organizations must put these boxers on track so that they can later shine as professionals,” sabi pa ni Cotto.

Si Cotto ay natalo sa isang balikatang  laban kay Saul Canelo Alvarez noong 2015.

Sa parating na Setyembre, ang Mexican superstar ay haharapin si Gennadiy Golovkin sa isang trilogy fight.

Inaasahan ni Cotto na magiging balikatan ang laban ng dalawa.

“It is the last chance for Golovkin [to pull off a major win], because of his age and because of what this fight represents for him. At the same time, we will have to see how Canelo arrives after the defeat he suffered [to Dmitry Bivol in May]. Because of these two factors it seems to me that it will be a great fight and I don’t have a favorite,” sabi ni  Cotto.

About hataw tabloid

Check Also

PNVF Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Second Nuvali Open

Ilulunsad ng PNVF ang Rebisco AVC Beach Volleyball Tournament sa Nuvali

Babalik ang aksyon sa Lungsod ng Santa Rosa sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land …

Battle of Calendrical Savants sa Abril 9

‘Battle of Calendrical Savants’ sa Abril 9

TALASAN ng isip ang matutunghayan ng sambayanan sa pagsabak ng mahigit 10 henyo sa ‘Battle …

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

Asahan ang mga kapanapanabik na aksyon sa paglalaro ng mga premayadong beteranong table tennis netters …

Tats Suzara Alas Pilipinas womens volleyball

Alas Pilipinas Women’s 33 wish lists inimbitahan sa tryouts – Suzara

TATLONGPU’T tatlong mga prospect—kabilang na ang 15 kasalukuyang miyembro ng Alas Pilipinas—ang iimbitahan sa isang …

Alex Eala

Sa WTA Miami Open   
19-ANYOS PINAY WILD CARD GINAPI  WORLD NO. 2, 5 GRAND SLAM CHAMP

ni MARLON BERNARDINO NAGBUNYI ang Filipino sports enthutiasts nang pumasok sa semi finals round ng …