Sunday , December 22 2024
AFAD DSAS

AFAD may malaking adtibidad sa Hulyo 14-18

MASISILAYANG muli pagkaraan ng  dalawang taong  pagkaantala bunsod ng pandemya ang pinakihihintay na  Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) Defense and Sporting Arms Show na may  malaking aktibidad at programa sa Hulyo 14-18 sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Sa ika-28 edisyon,  ipinangako ng bagong pangulo ng AFAD na si Hagen Alexander Topacio  na matutunghayan ng publiko, gun owners at sports enthusiast ang world-class na lokal at imported na mga baril, bala, at paraphernalia mula sa 48 miyembro ng asosasyon at exhibitors sa limang araw na kaganapan na magsisimula sa Huwebes (Hulyo 14) sa ganap na 10 ng umaga.

Pangungunahan nina Senator  Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lieutenant General Vicente D. Danao Jr., bilang mga espesyal na panauhin at tagapagsalita ng programa na itinuturing na pinakamalaki, pinakamatagal at organisadong  organisasyon sa bansa.

“Filipino is always geared towards being a responsible gun owner. We wanted to showcase the best products available in the market while at the same time informing our customers of the restriction on having a firearm,” pahayag ni  Topacio, 2022 Hanoi, Vietnam Southeast Asian Games clay shooting silver medalist.

Ang University of the Philippines alumnus na nagtapos ng  Public Administration ay nahalal bilang bagong presidente ng AFAD, kapalit ng kanyang nakababatang kapatid na si Alaric na matagumpay na nag-organisa ng huling dalawang leg ng Armed Show noong 2019 bago tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa at sa iba pang panig ng mundo.

“After almost three years of absence in the observance of health and safety protocol due to pandemic, we’re now back with better and much bigger activities and programs involving our members and affiliated organizations,” sambit ni Topacio.

 “We’re all affected by the pandemic. Nagkaroon ng restriction sa movement. Luckily our business thrives as many of our clients opted to buy firearms for their own protection. No specific occupations, they’re hardworking people. They advocate personal protection and responsible gun ownership,” aniya.

Idinagdag niya na ang mga nagnanais na maging may-ari ng baril ay hinihikayat na makiisa sa programa upang matutunan ang lahat ng pangangailangan sa pamamagitan ng seminar at mga programang pang-edukasyon tungkol sa pagtatanggol sa sarili, responsableng pagmamay-ari ng baril, paghawak sa kaligtasan ng mga baril, patakaran sa regulasyon sa pagmamay-ari ng baril, at iba pang kapana-panabik na aktibidad sa loob ng limang araw na kaganapan.

Inulit ni AFAD Board Member Edwin Ańo, sa kanyang bahagi, na ang AFAD ay nagsusumikap na maglagay ng isang kapaki-pakinabang na programa at edukasyon na kapupulutan ng aral at kaalaman sa  mga armas para sa publiko, mga bisita, at mga mahilig sa baril.

“For the past few years, our country experiences fewer crimes. I believe our regulators, the Philippine National Police (PNP), and the Armed Forces of the Philippines (AFP) were doing a very good job in keeping the peace and the streets safe for the people. Looking forward to working hand in hand with the new administration to improve anything to help us gun owners and the industry as a whole,”pagtatapos ni Topacio.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …