Sunday , April 13 2025
arrest, posas, fingerprints

Wanted sa kasong robbery with homicide
KELOT NASAKOTE

ISANG lalaking wanted sa kasong robbery with homicide ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Tanoynoy Mauro, 27 anyos, ng Gulayan, Brgy. Catmon, Malabon City.

Ayon kay Col. Barot, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon  Police na naispatan ang akusado sa naturang barangay dahilan upang magsagawa ng validation hinggil sa naturang ulat.

Nang makompirmang positibo ang report, bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni P/CMSgt. Marlon Garcia kasama ang mga tauhan ng Sub-Station 4 saka isinagawa ang joint manhunt operation na nagreaulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 3:45 pm sa Sanciangco St., Brgy., Catmon, Malabon City.

Ani P/SMSgt. Jessie Rebato, si Mauro ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 5 Hulyo 2022 ni Judge Misael Madelo Ladaga ng Regional Trial Court (RTC) Branch 292, Malabon City sa kasong Robbery with Homicide at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …