Tuesday , April 15 2025
arrest posas

Laborer kulong sa sumpak

BAGSAK sa hoyo ang isang construction worker matapos makuha sa kanya ang ipinagyayabang na ‘sumpak’ kargado ng isang bala sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Gerardo Nocum, 42 anyos, residente sa Gulayan, Brgy. Catmon na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol, nakatanggap ng radio message mula kay duty STOC P/Cpl. Junel Benavidez ang mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Malabon police tungkol sa isang lalaki na nakasuot ng dilaw na t-shirt at brown shorts na gumagala sa Gulayan, Brgy. Catmon habang armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Kaagad nagresponde sa naturang lugar dakong 10:55 pm ang mga tauhan ng SS4 sa pangunguna ni P/Lt. Erick Aguinaldo, kung saan naabutan ang suspek na nakaupo habang armado ng baril na nakasukbit sa kanang baywang.

Nilapitan ng mga pulis ang suspek saka hinawakan at nang hanapan ng kaukulang dokumento ang dala niyang baril ay wala siyang naipakita dahilan upang siya ay arestohin.

Narekober sa suspek ang sumpak na kargado ng isang bala ng hinihinalang kalibre .38. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …