I-FLEX
ni Jun Nardo
IPAGPAPATULOY ng kapatid ni Councilor Alfred Vargas na si Congressman PM Vargas ang mga plano niyang natigil para sa workers sa movie industry gaya ng tax incentives, holidays at iba pa.
Matapos ang local campaign, relax mode muna si Konsi Alfred bago sumabak sa local legislation at kapag maluwag ang schedules, gagawa ng isang TV show at movies.
“Marami akong nakaimbak na scripts. Bukod sa acting, love ko ring mag-produce. It doesn’t matter kung streaming o sa sinehan ang showing nito. Basta gusto kong gumawa ng movies para makatulong,” pahayag ni konsi Afred nang makausap namin.
“Para sa akin, basta bumalik lang ang puhunan, ok na. Hindi ko naman kailangang kumita nang malaki. Huli kong ginawa ‘yung ‘Tagpuan’ at maayos naman ang kinita namin sa movie na ‘yon lalo na sa international awards,” rason ng konsehal na 12 years na sa public service.
Isa sa gusto niyang makapareha sa movie ay si Sanya Lopez and soon, magkakaroon siya ng cameo role sa GMAseries na Unica Hija ni Kate Valdez.