Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual

Piolo nag-urong-sulong sa showbiz

MA at PA
ni Rommel Placente

KUNG noon sa mga interview ni Piolo Pascual ay sinabi niya na magreretiro na siya sa showbiz sa edad na 40, ngayon ay  binabawi niya na ang sinabi niyang ‘yun.

Wala na raw plano  ang aktor na iwan ang mundong ginagalawan niya.

Sinabi niya ito sa nakaraang presscon niya para sa bagong ad campaign ng Sun Life Philippines. Ipinaliwanag niya kung bakit siya nakapagbitiw noon ng salita  tungkol sa retirement.

Sabi ni Piolo, “Actually, I said that before I turned 40. I’m 45, and I was talking to Direk Cathy Garcia, we did a Kumuserye and she just signed with ABS-CBN for a couple of years.” 

Pagpapatuloy niya, “I love what I do and being in this business gives me meaning so I guess I was being immature, feeling burnt out back then. You can call it a midlife crisis because you’re too loaded up with work.”

Ayon pa kay Piolo, talagang passion na niya ang pag-arte at pagpe-perform kaya mananatili siya sa entertainment industry hangga’t kaya pa niya at sinusuportahan pa siya ng publiko.

I told her, ‘Direk, huwag na tayong magsasabi ng retirement kasi parang hindi rin naman natutuloy.’ For me, this is my passion.

“At this point in my life, I just wanna continue doing what I’m doing and this is something that I really appreciate, being in this business, being in front of you guys, and just sharing my life.

“As long as I feel that I’m needed in this business or there is something that I can contribute and I will stay on.”

Sa totoo lang naman, kailangan pa ng showbiz ang isang Piolo Pascual. Kaya dapat lang talaga na huwag na muna siyang mag-quit sa showbiz. Marami pa kasi talaga ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …