Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lino Cayetano

Direk Lino Cayetano balik-showbiz

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BALIK-SHOWBIZ si Direk Lino Cayetano matapos magsilbi sa siyudad ng Taguig bilang Mayor. Maganda raw ang nagawa ni Direk Lino pero dahil nagbabalik ang hipag niyang si Cong. Lani Cayetano na gusto muli magsilbi sa Taguig bilang Mayor, nag- giveway naman ang mabait na director at nagbalik-showbiz na matagal na niyang  miss.

Si Direk Lino pala ang original direktor ng Starstruck at very proud siya sa kinalabasan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na mga nanalo sa unang Starstruck ng GMA 7. Noon pa man ay wish na ni Direk Lino na malayo ang mararating ng mga ito at nagkatotoo naman.

Ngayon kasama ang ilang kaibigan, nagtatag ng isang maliit na production para gumawa ng ilang proyekto na puwede niyang ipalabas sa iba’t ibang network. Mabuti ngayon wala ng network war at makakasama na sila sa iba’t ibang network.

Maraming magagandang projects na nagawa ni Direk Lino gaya ng ABS-CBN’s Little Big Star, isang reality singing competition na naglunsad kina Sam Concepcion at Jake Zyrus (Charice Pempengco)Growing Up, ang unang pinagtambalan nina  Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, gayundin sa solo film nina Kim Chiu at Gerald Anderson na I’ve Fallen For You ng Star Cinema. Marami pa siyang nagawang telenovelas. 

Pagkaraan ay nagprodyus pa siya ng content noong 2017, ang Bagman na pinagbidahan ni Cong. Arjo Atayde na nagpanalo rito ng acting award sa Asian Academy Creative Awards noong 2020. Kaya marami ang nangangarap na maidirehe ni Direk Lino.

Welcome back, direk Lino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …