Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang Azi Acosta

Benz Sangalang, swak bilang Lampungan King

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Benz Sangalang na challenging ang role niya sa kanyang latest movie at ito ang pinaka-daring niya so far, kaya dapat abangan sa Vivamax.

After magpatakam sa pelikulang Secrets ni Direk Jose Javier Reyes, ibang Benz naman ang mapapanood sa kanya sa Sitio Diablo ni Direk Roman Perez Jr.

Yes po, masasabi kong itong Sitio Diablo ang pinaka-daring na movie ko so far. Baka wala pa sa kalahati sa ginawa ko sa Secrets,” saad ni Benz.

Gumaganap dito si Benz asTonix, ang gang leader ng buong Sitio Diablo. Ang movie ay tungkol sa drug trafficking at gang war. Dito’y kinalbo ang aktor para magmukha talagang maangas at astig.

Saad ni Benz, “Parang feeling ko ay mas nahasa po ako rito sa Sitio Diablo kompara sa Secrets. Mas na-challenge ako sa acting, kasi siyempre pangalawang movie ko na sa Vivamax. Marami na akong natutunan sa una kong movie, tapos ay in-improve ko pa lalo.

“And mas na-challenge po ako rito dahil sa mga action scenes na ginawa namin. Plus, dapat maangas talaga ang maging dating ko rito, ganoon po yung nire-require ng character ko.

“Masaya po ako sa pelikulang ito, kasi puro kapatid ko ang kasama ko sa pelikula, halos puro taga-Philmoda, kaya talagang walang ilangan. Enjoy lang talaga kami, marami akong natutunan kay Direk Roman, kaya sana ay tuloy-tuloy lang.”

Nabanggit ni Benz ang kaabang-abang na love scene nila rito ni Azi Acosta sa bubungan.

Aniya, “Feeling namin ay parang pusa kaming naglalampungan, kasi iyon po ang peg talaga, eh. Mga pusa na naglalampungan sa bubong. Okay naman kahit open siya, nag-enjoy naman ako sa eksena,” nakatawang saad pa ng guwapitong hunk na alaga ni Jojo Veloso.

Dagdag pa niya, “Medyo nag-alala lang ako dahil baka mahulog kami ni Azi kaya inaalalayan ko siya. And, talagang hubo’t hubad kami sa bubong, pero naka-plaster naman.”

Nakaka-excite ba ang makipag sex sa bubong? “Siyempre po, kasi ay presko eh, hahaha!” Matipid na sambit niya.

Gusto ba niya itong subukan in real life?  “Puwede, puwede naman, hahaha!” Nakatawang saad ni Benz. “Kasi parang may thrill dahil may kaunting nerbiyos na baka may makahuli sa ginagawa namin, eh. Hahaha!

“Iyong love scene sa bubungan, bale pangatlong love scene na namin iyon ni Azi rito sa movie, kaya wala na kaming ilangan.”

Ano ang mas daring, love scene nila sa bubungan or yung threesome? Esplika ni Benz, “Siguro yung sa bubong, kakaiba kasi iyon, eh. Iyong threesome, matagal siya at babad siya, ako at dalawang babae iyon eh. Pero iyong lampungan sa bubungan kasi, bihira lang kasi ang gumagawa niyon, eh. Kaya ibang klase talaga siya, talagang ipagmamalaki ko iyang bubungan scene na iyan, hahaha!”

Sa threesome scene nila, inamin din ni Benz na muntik na siyang tablan dito. Nakangiting sambit niya, “Siyempre lalaki tayo, eh… noong threesome scene namin, malapit na akong mabuhayan doon, eh. Muntik na, dalawang babae kasi ang kasama ko roon and noong alam kong papunta na ako roon, lumipat kami ng posisyon, kaya nawala yung momentum.”

Dahil matitinding love scenes ang ginagawa niya ngayon, ano ang mararamdamanniya kung babansagan siyang Lampungan King?

 “Okay lang po, kasi ibig sabihin ay napansin na ako kung mabigyan man ako ng ganoong title. Wala namang problema sa akin, at saka puwede namang maging stepping-stone mo lang naman iyan, tapos ‘pag napansin ka, puwedeng titulo mo lang iyan dati,” nakatawang banggit pa ni Benz.

Bukod kina Benz at Azi, tampok sa pelikula sina AJ Raval, Kiko Estrada, Pio Balbuena, Karl Aquino, Shiena Yu, Sahil Khan, Ruby Ruiz, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …