Thursday , November 14 2024
Bongbong Marcos BBM PACC

Anti-corruption commission binuwag ni FM Jr.

ANG Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Office of the Cabinet Secretary ang mga ahensiyang unang binuwag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kanyang pag-upo bilang ika-17 pangulo ng Filipinas.

Sa nilagdaang Executive Order No. 1 ni Marcos, Jr., sinabing ang paglusaw sa PACC at tanggapan ng Cabinet Secretary ay kaugnay ng ginagawang reorganisasyon sa Office of the President (OP).

               “The Administration shall streamline official processes and procedures by reorganizing the Office of the President proper and the various attached agencies and offices, and by abolishing duplicated and overlapping official functions,” a portion of the EO read. The functions of the PACC shall be transferred to the Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs which “shall make recommendations on matters requiring its action, to the Executive Secretary for approval, adoption or modification by the President,” saad sa EO No. 1.

Maraming netizens ang tumaas ang kilay sa pagbuwag ni Marcos, Jr., sa PACC lalo na’t maraming beses na iniugnay ang kanyang pamilya sa korupsiyon.

Noong 2018 ay nahatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa kasong seven counts ng graft kaugnay ng ilegal na paglilipat ng pondo o nakaw na yaman sa mga binuong private foundations sa Switzerland mula 1978 hanggang 1984 habang umiiral ang batas militar sa Filipinas.

Hindi dinakip at ikinulong si Gng. Marcos bagkus ay natengga sa hukuman ang kanyang apela.

Nakasaad din sa EO na ang “existing Cabinet Secretariat” ay ilalagay sa direktang control at pangangasiwa ng Presidential Management Staff.

Sa naturang EO ay iniutos ni FM Jr., ang pagbubuo ng Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Special Assistant to the President.

Habang sa Executive Order No. 2 ay binuwag ang Office of the Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ang PCOO ay ibinalik sa dating pangalan nitong Office of the Press Secretary. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …