PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang panunumpa sa tungkulin ng itinalaga niyang pitong bagong opisyal ng kanyang administrasyon.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga naturang opisyal sina Cesar Chavez bilang undersecretary ng Department of Transportation (DoTr); ret. Maj. Gen. Delfin Negrillo Lorenzana bilang chairperson ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA); Diorella Gamboa Sotto-Antonio, bilang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB); Emerald Ridao, bilang undersecretary ng Office of the Press Secretary (OPS); Franz Imperial bilang undersecretary ng Office of the President (OP); Honey Rose Mercado, Undersecretary ng Presidential Management Staff (PMS); Atty. Jose Calida, Chairman ng Commission on Audit (COA); Bianca Cristina Cardenas Zobel, Social Secretary; at Gerald Baria, Undersecretary ng Office of the President (OP).
Si Lorenzana ang kauna-unahang retired military general na iniluklok ni Marcos, Jr., sa kanyang administrasyon habang si Sotto ay anak ni dating Senate President Tito Sotto. (ROSE NOVENARIO)