ni Ed de Leon
NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na nakahanda raw siyang suportahan iyon pati na ang pamilya niyon, sakaling mawalan ng trabaho iyon at tuluyang masira dahil sa kanyang mga eskandalo.
Wala ring pakialam si bading kung tinutukso man siyang ang inabot niya ay sapal na lang dahil ang male star ay “marami nang pinagmulan,” eh kasi naman talaga yatang “love niya” ang male star.
Alam naman ninyo ang mga bading basta na-in love, maski kotse at bahay niya ipamimigay pa.