Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariel Rivera Beauty Gonzales Sid Lucero

Ariel ibinulgar may pineke habang kumakanta

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY mga bagay na hindi maiiwasang pekein kaya naman sa bagong serye ni Ariel Rivera na The Fake Life natanong ito kung may maibabahagi siyang isang bagay o sitwasyon na hindi niya naiwasang gawin iyon dahil walang ibang choice.

Sagot ni Ariel, “This happens more frequently than I want to admit. When you’re doing a concert you forget lyrics. Gumawa ka ng sarili mong lyrics,” at tumawa si Ariel.

“If you can’t perform, japorms,” ang patuloy na tumatawang sinabi pa ng actor/singer. 

“‘Yun lang, ganoon, that simple.

“Tumutugtog ‘yung music eh. Hindi mo naman puwedeng sabihing ‘Stop the music!’

“So you fake your own, you make up your own lyrics.”

Kasama rin sa GMA Afternoon Prime na The Fake Life sina Beauty Gonzales bilang Cindy Villamor; Sid Lucero bilang Mark Santiaguel;  Shanelle Agustin bilang Jaycie Villamor;  Carlos Dala bilang Jonjon Villamor; Tetchie Agbayani bilang Sonya de Guzman; Will Ashley bilang Peter Luna; Rina Reyes bilang Jean Luna, Saviour Ramos bilang Caloy Luna; Jenny Miller bilang Margaux Nova; at  Faye Lorenzo bilang Jai de Castro.

May special participation sina Bea Binene bilang young Cindy, Kristoffer Martin bilang young Onats, Candy Pangilinan bilang young Sonya, at Jake Vargas bilang young Mark.

Ang The Fake Life ay idinirehe ni Adolf Alix, Jr..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …