SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TIYAK na marami ang matutuwa sa mga naghihintay at fans ng The Juans dahil tuloy na tuloy na ang kanilang concert sa Oktubre 23, na gagawin sa Araneta Coliseum.
Sa ginanap na media conference kamakailan sa SkyDome masayang ibinalita ng tinaguriang Ultimate Hugot Band na makakapag-perform na sila sa harap ng kanilang milyon-milyong fans.
“It will be a fusion of film and musical theater, the ultimate. May bida at kontrabida rin sa istorya ng concert,”panimula ni Carl.
Ang The Juans ang kumanta ng ugot song na Hindi Tayo Pwede na naging daan para makilala ang kanilang grupo sa music industry. Ang awiting ito ang nagpabago sa kanilang buhay at sa lahat ng mga broken-hearted at nawalan ng tiwala sa pag-ibig.
“We also want to continue to inspire people with our show. We want to relate and validate feelings of other people because we all felt it, the separation, the heartbreak.
“We want to tell them that after hugot, there is hope and healing,” sambit pa ni Carl.
Ilan sa mga hit song ng grupo ay ang Dulo, Hatid, Teka Muna, at Istorya.
Ang The Juans Araneta concert ay magaganap sa sa Oct. 23, 2022 at ito ay handog ng Viva Records at Wish 107.5 FM at presented ng KDR Music. Ang VIP ticket ay mabibili sa halagang P5,000; Patron A—P3,500; Patron B—P3,000; Lowerbox A—P2,500; Lowerbox B—1,500; Upperbox—P800; at GenAd—P500.