Sunday , December 22 2024
Rachel Villanueva

Rachel ng Viva Hotbabes matagumpay na negosyante 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANG-MMK o Magpakailanman ang istorya ng buhay ng dating Viva Hotbabes na si Rachel Villanueva na ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante. Makulay at maraming kapupulutang aral tiyak ang sinumang makapapanood nito. 

Mula sa pagiging Viva Hotbabes sino ang mag-aakalang mas mapabubuti pa ang buhay niya nang iwan ang kinang ng showbiz. 

Noong Linggo nakausap namin si Rachel at ibinahagi niya kung paano niya sinimulan ang mga negosyo niyang Auto Flare at Estetika Wellness and Beauty Clinic. Ang AutoFlare ay  isang pre-owned luxury cars na naitayo ni Rachel noong isang taon at ngayong Hunyo 2022 naman ang Estetika Wellness and Beauty Clinic sa Spectrum District, Filinvest City, Alabang Muntinlupa.

Kasabay na humarap ni Rachel ang dati ring Viva Hotbabes na si Ella V at ang partner niyang si Mr. Dexter Co. 

Ani Rachel, hindi niya rin akalain na mapapasok siya sa pagnenegosyo ng mga luxury cars pero aminado siyang bata pa man ay mahilig na siya sa kotse dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang ama na isang engineer at may construction company at mahilig din sa mga kotse.

“I never thought I would get into car business. Bago kasi ito (car business) nasa sales ako ng BMW at Mercedes Benz. Kaya I’m into sales na talaga. Nag-aral ako ng Business administration, crash course sa Ateneo de Manila. Noon naisip ko na rin na kailangan ko talagang mag-aral kung papasok ako sa negosyo,” Pagbabahagi ni Rachel na naging miyembro ng Viva Hotbabes noong 2005. 

“Mabilis lang ‘yung pagiging Hotbabes ko kasi nabuntis ako, 2007. Na-inlab kaya iniwan ang pag-aartista, ha ha ha,” pagbabalik-tanaw ni Rachel na nabato ng kanyang ama dahil sa pagpo-pose ng sexy sa isang men’s magazine.

Ang saya-saya ko pang ipinakita sa daddy ko ‘yung magasin kasi nasa centerfold ako eh, tapos ibinato lang niya sa akin sabi niya, ‘hindi kita pinag-aral para maghubad,’” natatawang pag-alala ni Rachel.

Pinasok ni Rachel ang pagnenegosyo ng mga high-end car nang makita niya ang potensiyal ng mga aging units ng Mercedes at BMW.  “‘Yung aging units ito ‘yung mga hindi naibenta ng mga nagdaang taon, tumanda na siya ng isang taon at naibebenta sa mas mababang halaga pero mahal pa rin. Nakabenta ako nito ng 30 units in 2 months time lang. 

“Binigyan ako ng opportunity to sell luxury units and doon ko nakuha ‘yung funds ko to go into business. Sa mga komisyon ko sa mga nabentang units. Sa Marketplace ko lang iyon naibenta kaya I’m so happy talaga. Mga businessman talaga ang bumibili.”

Taong 2021 sinimulan ni Rachel ang showroom para sa pre-owned luxury cars na dahil nga sa 30 units na naibenta, nakilala siya at nagkapangalan sa mundo ng mga high-end automobiles.

This showroom is a  pre-owned luxury cars where customers can be assured of the quality of the automobiles they are getting. Lahat ng ibinebenta namin dito tsine-tsek naming mabuti kaya sure na sure ang mga bibili na ang bibilhin nilang kotse rito sa amin ay  best quality talaga,” paniniyak ni Rachel na bukod sa Business Ad ay kumuha rin ng crash course sa pag-aabogasya na nagagamit niya sa pakikipagtransaksiyon sa kanyang negosyo.

Kaya naman ako kumuha ng crash course sa pag-aabogasya sa Harvard, kasi pangarap ko na ‘yan bata pa lang ako. ‘Yun talaga ang gusto ko, maging lawyer,” kuwento pa ni Rachel.

Naibahagi pa ni ni Rachel na nag-buy and sell din siya ng mga luxury car. “Una bumili ako ng isang luxury car, then ibinenta ko, after that, dalawa na binili ko at naibenta ko uli. Kaya napasok ko rin ang buy and sell.”

Pagkaraan ng ilang buwan sa Auto Flare,  naitayo niya ang Estetika Beauty and Wellness Clinic dahil sa hilig sa nail art, eyelashes, at hair extensions.

“Dahil nga hilig ko ang nail art, eye lashes, at hair extensions naisip ko bakit hindi ko gawin na ring negosyo since itong place na ito eh malaki, sayang naman ‘yung ibang space na hindi magagamit. Kasi itong property na ito nabili ko na ganito na may showroom na wala namang kailangang ipagawa pa.  

“So ayun after niyong nail art and hair extensions naisip ko rin na bakit hindi ko lagyan ng salon kasi marami rin ang nag-i-inquire kaya nagpahanap agad ako ng tao para rito sa salon. And then nadagdagan na ng facial. And soon ‘yung isang bakanteng room doon ko naman lalagyan ng spa and massage para one stop na siya, kompleto na,” masayang pagbabahagi pa ni Rachel na bagamat hindi nakapagtapos ng pag-aaral (high school undergrad) hindi iyon naging hadlang para gumanda ang kanyang buhay.

Last year lang itinayo  ang Auto Flare at noong Hunyo 2022 lang ang Estetika at ani Rachel maganda na agad ang takbo nito at marami na silang parokyano mula sa A and B na bumibisita rito. 

Umaasa si Rachel na lalo pang tatangkilikin ang kanyang mga itinayong business na aniya nga, “‘wag matakot sumubok o lumabas sa iyong comfort zone. ‘Wag matakot magdagdag ng mga bagong kaalaman. At laging tandaan kung ano iyong naging motivation mo para magtrabaho kang mabuti.”

Sa huli, natanong namin si Rachel kung may balak ba siyang mag-branch out sa ibang lugar o pumasok pa sa ibang negosyo? Ang sagot niya,  “Baka somewhere in Quezon City para malapit sa mga artista. ‘Yung bagong negosyo, hindi muna siguro kasi gusto ko munang palaguin pa itong mabuti.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …