Sunday , December 22 2024

Patay muna aso bago turok ng bakuna

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KAPAG namatay na ang aso, saka lang babakunahan para sa anti-rabies ang nakagat nito.

Ano!? Kailangan pa bang hintaying mamatay ang aso para mabakunahan? Opo, tama ang inyong nabasa mga kababayan.

Iyan ang kalakaran na ipinatutupad sa Provincial Health Office (PHO) sa lalawigan ng Cagayan.

Siyempre, ang tanong naman natin ay gaano kaya katotoo itong impormasyon na nakarating sa inyong lingkod hinggil sa patakarang ito ng PHO na matatagpuan sa Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan?

Tulad nga ng nabanggit, ito ngayon ang umiiral na kalakaran sa PHO, kaya maraming nakagat ng aso na naunang tumakbo para humingi ng tulong sa PHO ang desperado at desmayado.

Sino nga naman ang hindi madedesmaya sa katugunang ito ng PHO…ang inaasahan mong magbibigay ng first aid ay siyang magbibigay ng malalimang pag-alala sa mga pasyente.

Kaya ang nangyayari, sa kabiguang mabigyan ng first aid ang mga nakagat, hayun nag-aalala o walang peace of mind sa loob ng dalawang linggong pag-obserba sa asong nakakagat.

Dalawang linggo kasi ang kalakaran para obserbahan ang aso…kung ito ay namatay, sinasabing positibo ito sa rabies.

Meaning, kapag hindi namatay ang aso makalipas ang dalawang linggo ay hindi na tuturukan ang pasyente o ang nakagat ng aso? Ganoon ba iyon?

Kaya, walang choice ang mga nagpupunta sa PHO kung hindi sumunod sa kalakaran at uuwing luhaan hanggang sa loob ng dalawang linggo habang inoobserbahan ang aso.

E paano kung asong gala ang nangagat…iyon bang hindi alam kung kanino ang aso. Iyon bang matapos na mangagat ay tatakbo na ang aso at hindi na malalaman kung saan papunta o kung saan puwedeng hanapin dahil sa walang nagmamay-ari? Paano oobserbahan?

Hindi ba puwedeng turukan agad ang pasyenteng biktima ng mga galang aso?

At ibig sabihin rin ba na ang taong nakagat ang oobserbahan sa loob ng dalawang linggo? Ganoon nga siguro at kapag naglalaway at kumakahol na iyong taong nakagat makalipas ang dalawang linggo, ibig sabihin ba ng PHO ay doon pa lamang nila tuturukan ng anti-rabies ang pasyente? Nakalulungkot naman. Iyan naman ay kung ganyan ang kalakaran ng PHO.

Tsk tsk tsk…nakatatakot ha. Bagamat, in fairness sa mga taga PHO, marahil puwede ang kanilang kalakaran dahil kung hindi puwede ay hindi nila ipatutupad ang “patay aso muna bago turok bakuna.”

Kung susuriin, taliwas ang lahat…sa San Lazaro, turok agad sa mga nakagat habang sa PHO ay paktay muna aso bago turok. Hehehe…

Sa kalakarang ito ng PHO, ilan ang napilitang magpaturok sa isang pribadong ospital sa lugar na lisensiyado sa pagtuturok ng anti-rabies o ‘ika nga ay animal bite clinic.

Pero kapag marinig na ang presyo para sa bakuna, atras ang mga kawawang Cagayano. Atras dahil sa sobrang mahal ng singil ng ospital…P2,400 ang unang bakuna, may consultation fee pa, may injection fee pa…Wow! Private daw kasi….at may mga susunod pang sessions…P3,000 plus each…

Dito sa Metro Manila, may isang dog bite clinic (private ito ha) na ang singil ay P650 lang kada turok…ABC animal bite clinic. Walang consultation fee, walang injection fee etc…P650 lang kada turok. Tatlong beses ang turukan.

Sana naman ay silipin ito ng DOH, hindi lamang ang nangyayari sa PHO sa Cagayan kung hindi maging ang ilan pribadong ospital o klinika na sobrang taas maningil para sa animal bite vaccine.

Sa info na nakalap, kaya ganito ang kalakaran (daw) ng PHO ay dahil kulang ang supply na naipapadala sa PHO…mula ba sa DOH ang supply?  Ganoon ba, so ang may sala pala nito ay ang national office.

Sa ngayon, si Secretary Franciso Duque pa rin ang nakaupo sa DOH, pero I doubt na hindi mapapalitan sa puwesto…kaya sa susunod na administrasyon ng DOH, pakiresolba ang problema sa PHO Cagayan hinggil sa mga nakagat ng hayop. Kawawa naman ang mga Cagayanos!

About Almar Danguilan

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …