Tuesday , December 24 2024

Pag-upo ni Marcos, Jr., sa Palasyo
250 KATAO NAWALAN NG TRABAHO SA PCOO

070522 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

ISA sa pangunahing problema ng bansa ang unemployment o kawalan ng trabaho kaya maraming Pinoy ang naghihirap.

Ngunit ang bagong administrasyon na iniluklok ng 31 milyong boto sa katatapos na 2022 presidential elections, unang tinanggalan ng trabaho ang mga pangkaraniwang manggagawa sa gobyerno.

Batay sa Department Order No. 22-04 na inilabas ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, iginiit niya ang mahigpit na pagtalima sa Memorandum Circular No. 1 ni Executive Secretary Vic Rodriguez na nagdedeklarang bakantehin ang ilang posisyon sa mga departamento at kawanihan sa pamahalaan.

Apektado ng naturang direktiba, hindi lamang lahat ng presidential appointees, non-career executive service officials na may Career Executive Service positions, kundi maging lahat ng “contractual and/or casual employees.”

Nabatid, may 250 ang contractual/casual employees ang nawalan ng trabaho sa PCOO sanhi ng Department Order ni Angeles alinsunod sa MC No. 1 ni Rodriguez.

Nangangamba ang mga kawani ng mga departamento at kawanihan ng gobyerno na maapektohan ang kanilang suweldo kapag ang uupong pinuno nila’y acting capacity o officer-in-charge lamang dahil wala itong “legal personality” para pumirma sa payroll.

“The general rule kasi nga is that the OIC can sign on the day-to-day functions of an agency. So I don’t think na magkakaroon ng problema dito sa ano — sa what we call the transition period,” ayon kay Angeles.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …