MA at PA
ni Rommel Placente
SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District ng QC, ibinahagi ni Arjo Atayde sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang anim na mga panukalang batas na inihain niya sa kongreso.
Post ni Arjo, “Filed my first 6 bills in Congress and attended an alignment meeting with the mother of QC @mayorjoybelmonte . Thank you, once again, D1 QC for putting your faith and trust in me. Looking forward to serving you for the next 3 years. I promise that I won’t stop learning and I won’t stop working.”
Ang una sa anim na bills ay ang House Bill 457, na nais gawin ang Lungsod ng Quezon City na “The Film & Television Arts Capital of the Philippines.”
Ikalawa ay ang House Bill 458, na naglalayong i-upgrade ang Quezon City General Hospital at gawing Quezon City General Hospital and Medical Center.
Ang pangatlo ay ang House Bill 459 na tinawag niyang “The Eddie Garcia Bill.”
Ang layunin nito ay mabigyan ng occupational safety and health standards ang mga worker at talent sa movie at television industry.
Dahil sa bill na ito nagsisilbing tribute ito ng aktor sa namayapqng si Eddie Garcia.
Pang pang-apat ay ang House Bill 460 o “Anti-SOGIE Discrimination Bill.” Layunin naman ng panukala na maiwasan ang pambabastos sa lugar ng trabaho dahil lamang sa sexual orientation ng tao.
Panglima ay ang House Bill 461 o “BHW Allowance & Benefits Bill” na nagnanais na magkaroon ng Magna Carta para sa mga Barangay Health Worker.
At ang pang-anim naman ay ang House Bill 462 na nais magtaguyod sa pagkakaroon ng Virology Institute ang bansa.
O ‘di ba, bongga si Arjo, umpisa pa lang ng kanyang trabaho ay anim na bills na agad ang ipinasa niya sa kongreso na gusto niyang maging batas.