ISINAPINAL ni Gary Payton II ang 3-year, $28 million deal sa Trail Blazers, ayon sa source na ibinigay sa Athletic nung Huwebes.
Si Gary Payton II na anak ng Hall of Famer Gary Payton ay nanalo ng NBA title sa Golden State Warriors nung nakaraang season.
Sa nasabing finals series ay naging rebelasyon si Payton II nang pangunahan niya ang NBA sa steals per 36 minutes. Naglaro siya ng 71 games sa regular season (16 starts), nag-average ng 7.1 puntos, 3.5 rebounds at 1.4 steals per game.
Nagarahe ang 29-year-old ng isang buwan noong 2022 playoffs dahil sa napilay na siko na natamo niya sa Game 2 ng Western Conference semisinals pero nakabalik siya sa laro sa finals.