Tuesday , February 4 2025
Russell Westbrook

Westbrook mananatili  sa Los Angeles Lakers

NAGDESISYON si Los Angeles Lakers guard Russell Westbrook na tanggapin ang kanyang $47.1 million option para makabalik sa club para sa 2022-23 season, ayon sa ilang mapagkakatiwalaang  report nung Martes.

Ang 33-year-old playmaker, ang 2017 NBA Most Valuable Player at nine-time NBA All-Star, ay papasok sa final campaign ng kanyang limang taong kontrata na nakakahalaga ng $206 million.

Si Westbrook ay naglaro sa apat na iba’t ibang clubs sa loob ng apat na season,  na may average na triple doubles sa final three seasons sa Oklahoma City bago ang 2019 trade sa Houston kapalit ni Chris Paul.

Nagsimula sa paglalaro si Westbrook noong 2020-21`  sa Rockets pero nai-trade siya sa Washington nung Disyembre 2020 at nanatili sa Wizards hanggang Agosto 2021 swap sa Lakers.

Nung nakaraang season, siya ay may averaged na 18.5 puntos, 7.4 rebounds at 7.1 assists kada laro sa 78 games para sa Lakers na nagtala ng nakadidismayang kartang 33-49 at hindi nakasampa sa playoffs.   Ang injuries nina LeBron James at Anthony Davis ang naging dahilan ng kanilang pagsisid.

Sina Westbrook, James at  Davis  ay sama-sama lang nakalaro sa 21 games sa nakaraang season, ang Lakers ay may 11-10 sa nasabing pagsasama-sama nila.

Umaasa ang Lakers fans na babawi ang kanilang paboritong team sa bago nilang coach na si Darvin Ham.

About hataw tabloid

Check Also

Luka Doncic Lebron James Anthony Davis

Davis-Doncic trade ginulat ang NBA
LUKA, LEBRON MAGSASANIB NA NG LAKAS SA LAKERS

GUMAWA ang Los Angeles Lakers ng isang nakagugulat na trade, ipinagpalit si Anthony Davis kay …

ArenaPlus PSA Awards FEAT

ArenaPlus celebrates Filipino sports excellence at the annual PSA Awards

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform, joined the celebration of Pinoy pride as Filipino athletes …

D Shipper RS-BBB RCF E Bros-Balaraw solo champion sa World Sasher Cup

D’ Shipper RS-BBB RCF E’Bros-Balaraw solo champion sa World Sasher Cup

ITINANGHAL  na solo champion ang pinagsamang entry nina J. Bacar/RCF/B. Joson/E. Brus/F. Maranan sa katatapos …

Zus Coffee wagi vs Chery Tiggo

Zus Coffee wagi vs Chery Tiggo

NANAIG ang Zus Coffee Thunderbelles, 25-22, 25-22, 23-25, 25-20 laban sa Chery Tiggo Crossovers sa …

Ramon Tats Suzara

Pambansang U21 Men’s Volleyball Championship, nagsimula na

Ang daan patungo sa FIVB Volleyball Men’s World Championship (MWCH) 2025 sa Setyembre ay sisimulan …