Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali

Ruru at Bianca itinatago pa rin tunay na estado ng relasyon

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview kay Ruru Madrid sa segment ng 24 Oras na Chika Minute, ay tinanong siya kung sino nga ba si Bianca Umali sa buhay niya?

Hanggang ngayon kasi, kahit maraming nagpapatunay na talagang may relasyon na sila ay hindi pa rin sila umaamin. 

Matagal na silang mailap ni Bianca, na nang matanong tungkol sa kanilang tunay na ugnayan eh ito ang sagot ng binata.

“I would consider her bilang isang tao na maraming nagagawa for me,” sabi ni Ruru.

Dagdag niya, “Hindi naging madali ang pinagdadaanan namin ni Bianca dahil pareho kaming  nasa limelight. It’s hard, sobra, sobrang hirap.

“Kasi totoo ‘yung sinasabi ng mga tao na bawat… kaunting kibot mo, may masasabi at masasabi sila.

“It’s not that gusto naming ilihim ito sa mga tao. But sometimes, ito na lang ‘yung natitirang bagay for me na maku-consider ko na sa akin lang.”

Sa naging pahayag na ito ni Ruru, wala pa rin talagang pagkompirma na may something na sa kanila ni Bianca. Pero inirerespeto naman namin ang desisyon ni Ruru at maging ni Bianca kung bakit ayaw nilang aminin ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Prerogative naman nila ‘yun.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …