Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSC Rise Up Gintong Gawad 2022

Gintong Gawad 2022 awardees tampok  sa PSC’s Rise Up

NANATILING nakatuon ang Philippine Sports Commission (PSC) para kilalanin ang natatanging kontribusyon at inisyatiba na may kaugnayan sa kababaihan at sports development sa grassroots level sa pamamagitan ng Gintong Gawad (GiGa) 2022.

Tinapos ng komisyon ang takbo ngayong taon ng Gintong Gawad Awards sa isang gala awards night na sumigwada sa Subic Travelers Hotel nung June 14, 2022, na ang walong nanalo at dalawang espesyal na  na citations ay ipinagkaloob.

Binigyang halaga ni PSC Women in Sports overseeing Commissioner Celia Kiram ang suporta ng grassroots communities sa pagtulong sa PSC sa  adhikain nitong makapag-develop ng homegrown top-performing athletes sa pamamagitan ng iba’t iang programa ng PSC.

“We at PSC-Women in Sports are delighted to receive numerous nominations as it signifies the strong presence of sports development in our local communities and at the grassroots level,” sabi ni Commissioner.

“We are humbled by this reminder that Philippine sports need our attention, care and support not only at the national level but most significantly at the grassroots as this is where Filipino sports talent and potential national athletes emerge.” Dagdag pa ng nag-iisang  lady commissioner ng  PSC.

 Ang Gintong Gawad na isang national awards platform na  matagumpay na inilunsad noong 2021 para iselebra at magbigay pugay  sa pagpapaunlad ng kababaihan sa sports at sa grassroots level.   Nagbibigay ito ng awards sa walong kategorya:  Ina ng Isport, Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atletang may Kapansanan, Modelo ng Kabataan; Babaeng Tagasanay ng Isport; Babaeng Lider ng Isport sa Komunidad; Kaagapay ng Isports sa Komunidad; Produktong Pang-Isport na Natatangi at Makabago; at Proyektong Isport Pang-Kababaihan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …