Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ben&Ben

2 pa sa miyembro ng Ben&Ben tinamaan ng Covid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKANSELA ang sana’y concert ng Ben&Ben sa July 2 sa  Santiago, Isabela dahil dalawa sa miyembro nito ang tinamaan ng COVID-19 kamakailan.

Nagpositibo sa COVID-19 ang lead singer ng Ben&Ben na si Paolo Benjamin at si Toni Muñoz, ang percussionist at vocalist din ng band. Naka-isolate na ang dalawa at nagpapagaling na.

Sa official Twitter page ng Ben&Ben, inihayag ng grupo na  na-reschedule ang show nila sa Isabela sa July 17.

Hello! We’d like to announce that our July 2 show in Santiago, Isabela has been moved to July 17.

“Paolo Benjamin, one of our lead singers, and Toni Muñoz, our percussionist and vocalist, also tested positive for COVID-19. They are currently isolating and recovering,” anang Ben&Ben.

Bago ito’y nakansela rin ang concert ng Ben&Ben sa Surigao nitong nagdaang Linggo matapos ding magka-COVID-19 ang lead singer nilang si Miguel Benjamin.

Hello bestie! Ikinalulungkot naming sabihing di kami matutuloy sa show natin sa Surigao this June 26.

“Positive si Migs sa COVID-19. Don’t worry, okay naman kami, pero para sa safety nating lahat, naka-isolate lang muna siya. Pasensya na ulit at ingat pa rin tayo nowadays! Takits!” mensahe ng grupo sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …