Tuesday , December 24 2024
Masungi Geopark Project Quarrying

Panawagang pagkansela ng mga quarry sa Masungi, sinuportahan ni Belmonte

SUPORTADO ni QC Mayor “Joy” Belmonte ang panawagan na tuluyan nang kanselahin ang mga kasunduan sa quarrying sa Masungi Geopark Project at sa Upper Marikina Watershed.

Matatandaang apat na alkalde ng mga siyudad sa Metro Manila at iba pang mga opisyal ang nagpahayag ng matinding pagkabahala sa hindi pagkansela ng DENR ng tatlong Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) na sumasaklaw sa protektadong watershed.

Labis nilang ikinabahala ang DENR ay mistulang hindi kumikilos sa pagkansela ng mga MPSA dahil “hindi gumagana” at “malapit nang mag-expire.”

Nakiisa ang mga alkalde sa panawagan ng mga eksperto, katutubo, at civil society groups na makialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil hindi kinansela at bagkus ay sinuspende lamang ni DENR Secretary Jim Sampulna ang mga nasabing MPSA.

Kahit ang 25-taon termino ng mga MPSA ay nakatakdang mag-expire sa 2023 at 2024, ang DENR ay hindi nagtiyak at hindi makatitiyak na ang suspensiyon ay hindi aalisin anumang oras o na ang pag-renew ng mga kontrata ay hindi ipagkakaloob.

Nangako si dating DENR Secretary Cimatu, dalawang taon na ang nakararaan, noong Marso 2020, na kakanselahin na ang nasabing mga quarry agreements. Hindi ito kailanman ipinatupad ng DENR.

Giit ng environmentalists, habang sinuspende o wala pang quarry operations, ang kawalan ng aksiyon ng gobyerno ay naghihikayat sa ilegal na pagtatayo ng mga esktruktura, pagpuputol ng puno, at pagkasira ng mga daluyan ng tubig sa lugar.

Gayondin, ang buhay ng mga park ranger at mga nagsisikap na muling mag-reforest ang lugar ay mananatiling nasa panganib hanggang hindi pa tuluyang ipinapasawalang-bisa ang mga MPSA.

Ipinagbabawal ng e-NIPAS Law at Philippine Mining Act ang quarrying at mineral exploration sa mga pambansang parke, protektadong lugar, at proclaimed watershed reserves. Ang mga pribadong karapatan, kung mayroon man, ay hindi maaaring maging katwiran para sa paglabag ng mga batas.

Samantala, sa panayam ng Veritas Philippines, pinuri ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang hakbang ng mga alkalde.

Hinimok din niya ang gobyerno na muling suriin ang mga MPSA at iwasan ang pagbibigay ng mga permit para sa mga ilegal na operasyon na nagpapalala sa epekto ng pagbabago ng klima at nagdaragdag sa pagdurusa ng mga tao.

Kaugnay nito, ayon sa DENR Region 4A, walang nagaganap na quarrying sa lugar. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …