Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lianne Valentin Zoren Legaspi

Mom ni Lianne napasigaw sa mainit na eksena nila ni Zoren

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAG-VIRAL sa socmed ang steamy lovescenes nina Lianne Valentin at Zoren Legaspi sa Apoy sa Langit kaya naman hiningan namin ito ng reaksiyon.

“Unexpected po ang pag-viral niya. Na-shock na lang po ako at kaming lahat noong nag-reach ito ng 12M views in two days.

“But I guess that’s a good thing po and I’m happy with the outcome. Tumalon ‘yung puso ko!,” ani Lianne.

Bagamat sobrang init ng tagpong iyon nina Lianne at Zoren hindi naman nag-aalala ang dalaga na pagseselosan siya ng asawa ni Zoren na si Carmina Villaroel.  

“Naniniwala ako na they’ve been in the business for a very long time to understand these kinds of scenes,” paliwanag ni Lianne at sinabing bago niya ginawa ang steamy scene na iyon ay ipinaalam na niya agad sa kanyang mommy.

“Beforehand, alam na po ni Mommy na medyo daring and sexy pero mas nagulat siya noong lumabas na ‘yung initial trailer ng ‘Apoy sa Langit.’

“Doon po siya napasigaw ng ‘Anak!’”

Kung sakaling sa tunay na buhay nalaman ni Lianne na ang mahal niya ay may asawa na pala, ang gagawin niya ay, “Easy lang po. I need to let go of that person and hiwalayan ‘yung person and move on. Kahit mahirap and masakit. Ouch!”

Iginiit din ni Lianne na hindi siya papayag na maging kabit kahit super mahal niya ang lalaki. 

“Because every woman deserves someone who can love them wholeheartedly and without limits.”

At kapag si Liane naman ang misis at nalaman niya na may kabit ang mister niya, “Kung ganun, puwes, abangan niyo ang ending ng Apoy sa Langit dahil yun ang gagawin ko sa kanya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …