HATAWAN
ni Ed de Leon
MAAAPEKTUHAN daw kaya ang career ni Joaquin Domagoso ngayong tatay na siya?
Hindi na dapat itanong iyan. Tiyak iyon apektado. Tingnan ninyo ang personalidad ni Joaquin, matinee idol eh. Sino pa ba ang maloloka sa isang lalaking may kinakasama at anak na? Eh ang dami pang mga baguhang matinee idol sa ngayon. Pero gusto niya iyon, pinasok niya kaya wala siyang choice talaga kundi panindigan.
Ang sinasabi na nga lang ng mga kampi kay Joaquin, at least nakipag-relasyon siya sa isang babae. Hindi siya gaya ng iba na nakipag-relasyon sa kapwa lalaki.