ni Ed de Leon
TUMAWAG daw ang isang dating male bold star sa isang taga-showbiz din, at nakikiusap na baka puwede siyang tulungang makahanap ng raket: ”kahit na ano.”
Sabi daw niyon, “kung talagang walang raket kahit na booking payag na ako.”
Mukhang dumating na nga sa kanya iyong panahong sayad na sayad na ang kanyang kabuhayan, pero sino pa ba naman ang papansin sa isang matanda nang bold star? Ang masakit, sinabihan pa raw siya ng isang kakilala na hahanap ng “role ng isang lolo na makikipag-sex sa kanyang apo,” at doon daw siya irerekomenda oras na may gumawa nga para sa internet.