Friday , November 15 2024
gun QC

Makinista binaril sa ulo ng kalugar

PATAY ang 41-anyos machine operator habang papasok sa kaniyang trabaho nang barilin ng kaniyang kapitbahay sa Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Celerino Rivas Bertiz, 41, biyudo, machine operator, residente sa B3 L2 Joan of Arc, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

 Kinilala ang suspek na si Arjay Renoso Ibañez, naninirahan sa Margarita St., Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

               Sa report ng Quezon City Police District (DPD) Novaliches Police Station 4, bandang 6:50 am kahapon, Lunes, 27 Hunyo, nang maganap ang insidente sa harap ng B3 L2 Joan of Arc, Brgy. Gulod, Novaliches.

Ayon kina PCpl Mario Del Rosario, Jr., at PCpl Jerwin Gregorio, mga imbestigador ng PS-4, papasok sa trabaho ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek saka malapitang pinaputukan sa ulo si Bertiz.

Nang duguang bumulagta ang biktima, tila walang nangyari at kaswal na naglakad ang tumakas na suspek.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, hindi nila nagawang harangin ang suspek sa takot na madamay sila.

               Inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril habang tinutugis ang nakatakas na suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …