APAT mangingisda ang nalunod at namatay habang hindi pa nahahanap ang isa, matapos tumaob sa dagat ang sinasakyan nilang bangka sa bayan ng Bagac, lalawigan ng Bataan, nitong Lunes, 27 Hunyo.
Ayon sa ulat ni Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, kinilala ang mga namatay na sina Alexander Mesina, Tirso De Guia, Edgar Balboa, at Gregorio Limboc.
Nabatid, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na hinahanap ng mga tauhan ng Coast Guard Station ng Bataan at Maritime Group ang isa pang nawawalang mangingisdang kinilalang si Jemar Dacillo.
Sinabi ni Balilo, nanghingi na sila ng Notice to Mariners kung sakaling may makakita kay Dacillo dahil daanan ng barko ang bahagi ng dagat na kinalubugan ng bangka.
Pinaniniwalaang ang malalakas na alon ang sanhi ng paglubog ng Bangka, gayonman nailigtas ang 45 mangingisda. (MICKA BAUTISTA)