Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruffa Gutierrez Imelda Marcos

Ruffa matagal nang fan ng Unang Ginang Imelda Marcos         

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SPEAKING of Ruffa Gutierrez, mas masuwerte ang aktres dahil kung ilang beses na niyang nakadaupang palad si dating First Lady Imelda Marcos. Si Ruffa ang gaganap na Imelda sa Maid in Malacanang. 

Ani Ruffa excited din siya na nakasama sa pelikula.

Una niyang nakilala ang unang ginang noong 18 years old siya nang dumalo sa birthday party nito na ginawa sa Manila Hotel.

Hindi ikinaila ni Ruffa na noon pa man ay fan na siya ng unang ginang Imelda kaya naman hindi siya nagdalawang-isip nang i-offer sa kanya ang role.

I’ve always been such a big fan of her because she’s a woman of glamour, a woman of substance and she has a golden heart and I can see that she knows how to practice grace under pressure,” sambit ni Ruffa.

Ikinuwento rin ni Ruffa na nanonood siya ng documentaries at video materials tungkol sa dating First Lady bilang paghahanda sa gagampanan niyang papel.

Samantala, marami ang tiyak maiintriga at masasabik dahil malapit nang mapanood ang most controversial film ng 2022. 

Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Pilipinas, aalamin natin ang bersiyon ng kuwento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan.  

Ipapakita sa pelikula ang mas normal at carefree side ng First Family, malayo sa gulo ng media at opinyon ng mga tao. May ipakikilala ring mga karakter at ibabahaging storyline ang pelikula na magpapakita kung paanong katulad din ng ibang pamilyang Filipino na may close family ties ang pamilya Marcos. 

Ang pelikulang ito ay mula sa direksiyon at panunulat ng malikhaing si Darryl Yap, ang direktor sa likod ng Vincentiments at ibang Vivamax Originals tulad ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Revirginized, Gluta, at Ang Babaeng Walang Pakiramdam. 

Ang Maid In Malacañang ay trending na bago pa man maging officially greenlit for production, at nakatanggap na rin ng matinding response sa  social media matapos ibahagi ng  direktor ang idea sa kainitan ng 2022 National Election. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …