Friday , November 22 2024
Maid In Malacañang

Maid In Malacañang, trending na kahit hindi pa nagsisimula ang shooting

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NGAYON pa lang ay marami na ang naiintriga at nasasabik dahil malapit nang mapanood ang most controversial film ng 2022. Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Filipinas, alamin din natin ang bersiyon ng kuwento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan.

Ipapalabas sa maraming sinehan sa buong mundo ang Maid in Malacañang ngayong darating na July 20, 2022. Produced by VIVA Films at mula sa brilliant mind ng pinakapinag-uusapang direktor ngayon na si Darryl Yap, ang Maid in Malacañang ay isang family dramedy movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng Palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.

Bibida sa pelikula ang ilan sa pinakamagagaling at hinahangaang artista sa bansa na sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos. Bida rin ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga, at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak na sina Imee, Bongbong, at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.

Tuklasin ang bersiyon ng world event na ito base sa eyewitness account ng isang “reliable source.” Ipapakita sa pelikula ang mas normal at carefree side ng First Family, malayo sa gulo ng media at opinyon ng mga tao. May ipapakilalang mga karakter at ibabahaging storyline ang pelikula na magpapakita kung paanong katulad din ng ibang pamilyang Filipino na may close family ties ang pamilya Marcos.

Ang pelikulang ito ay mula sa direksiyon at panulat ng malikhaing si Direk Darryl, ang direktor sa likod ng Vincentiments at ibang Vivamax Originals tulad ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Revirginized, Gluta, at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Ang Maid In Malacañang ay trending na bago pa man ito maging officially greenlit for production, at nakatanggap na rin ng matinding response sa social media matapos ibahagi ng direktor ang ideya sa kainitan ng 2022 national elections.

Mula sa Viva Films, mas kilalanin pa ang world-famous First Family mula sa kuwento ng taong naging bahagi ng kanilang pribadong pamumuhay.

About Nonie Nicasio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …