Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Nelia Sarmiento, 48 years old, taga-Barangay Silangan, Quezon City.
Ise-share ko lang po ang karanasan ko noong ako ay magkaroon ng constipation.
Ilang araw din po akong pinahirapan ng constipation, last two weeks ago. Para akong may kabag. Feeling bloated pero hindi maka-utot (excuse me po sa mga nagbabasa).
Halos dalawang araw ko pong pinoproblema. Noong pangatlong araw, sinabihan ako ng sister ko na mag-try akong mag-CPC (camote-pataatas-carrots) at sabayan na rin ng walang tigil na paghahaplas ng Krystall Herbal Oil sa aking sikmura pababa sa tiyan.
Walang pagtutol na ginawa ko ang CPC saka ko ininom. At walang tigil na naghaplos ng Krystall Herbal Oil sa sikmura.
Mga 3:00 am nang makaramdam ako ng paghilab sa aking tiyan kaya agad akong nagpunta sa comfort room (CR) at hayun, inilabas ko ang ilang araw na nagpapahirap sa akin.
Sis Fely, maraming salamat po sa inyong mga imbensiyon dahil napakalaking tulong nito sa mga kagaya namin.
Mabuhay po!
NELIA SARMIENTO
Quezon City